|
May mga tao bang ayaw yumaman? May ilan siguro. Pero ang karamihan ay gustong yumaman. Narito ang ilang humahadlang sa tao sa pagyaman:
1. Negative Attitude – lahat pinagdududahan maging ang sarili n’yang kakayahan. 2. Hanggang pangarap na lang. Ayaw gawin ang nararapat. 3. Mas pinakikinggan ang opinion ng iba o ang tsismis. May kasabihan, “Wise men make his own decision. Ignorant men listen to public opinion”. 4. Gusto yumaman pero ayaw magtinda. Ang pagkita ng pera ay sa pagtitinda. Pagtitinda ng oras o serbisyo o pagtitinda ng produkto. Ang nagtitinda ng oras o serbisyo ay mga empleyado. Ang nagtitinda ng produkto ay mga nagnenegosyo. Sa pagnenegosyo, yayaman tayo.
|